Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Unang bugso ng bakuna para sa Senior Citizens umarangkada sa Pampanga

INUMPISAHAN na ang unang bugso ng roll out ng pagbaba­kuna kontra CoVid-19 para sa senior citizens na ginanap sa Heroes Hall, sa lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga.

Natapos nitong Huwebes, 22 Abril, ang unang dose ng Sinovac vaccine na itinurok sa mahigit 1,600 senior citizens na tumugon sa vaccination program ng pamahalaan.

Ayon kay Dr. Iris Muñoz, City Rural Health Physician/Manager, City Expanded Program on Immunization, mahigit 1,700 doses ng Sinovac Vaccine ang ibinigay ng Department of Health sa pamahalaang lungsod ng San Fernando para sa unang dose, dahil Sinovac pa rin ang bakunang gagamitin.

Makaraan ang 28 araw matapos ang unang dose ay doon pa lang ituturok ang pangalawang dose.

“Mayroon tayong post monitoring area after the bakuna, so definitely after mabakunahan ang mga Senior ay hindi muna sila aalis, imo-monitor muna nang minimum of 30 minutes, or depende sa sitwasyon. ‘Yung may comorbidities like ‘yung may hypertension, diabetes, pero kontrolado naman ay puwede namang pumunta at magpa­bakuna,” sabi ni Dr Muñoz.

“Ngunit kung may mga senior na immuno­compromised tulad ng mga na-diagnosed na may kanser o iba pang sakit na talagang immunocompromised ang pasyente ay kinakailangang magpakita ng clearance at medical certificate mula sa kanyang pribadong doktor para makasiguradong ok ang pasyente,” dagdag ni Dr. Muñoz. (RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …