Wednesday , January 15 2025

Community pantry ng PNP-PRO3 laganap sa CL

PARANG mga kabuteng nagsulputan ang mga community pantry ng PRO3-PNP sa Central Luzon upang tumulong sa mga naunang community pantry na naging biktima ng red-tagging ang mga organizer nito.

Sa panayam ng programang Rektang Konek ng PNP Wide, hinimok ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija PPO, mga hepe ng 32 police stations sa buong lalawigan at ang 1st at 2nd Provincial Mobile Force na ayudahan siya sa paglulunsad ng community pantry sa Brgy. Gomez, sa bayan ng Sta. Rosa, lalawigan ng Nueva Ecija, para makatulong sa mahihirap na mamamayan lalo ngayong panahon ng krisis sanhi ng pandemyang CoVid-19.

Pinapupunta ganap na 7:30 am ang mga tao sa itinatalagang mga lugar ng community pantry at maaaring makakuha ng libreng gulay, itlog, mga pangsangkap tulad ng patis, tuyo, bigas, kasama na ang facemasks.

Nauna rito, namahagi ng mga ayuda ang pamunuan ng Nueva Ecija PNP sa kanilang mga kabaro sa lahat ng 32 police stations gayon din sa mga tauhang nasa labas na nakadestino sa mga border control points.

Samantala, umarang­ka­da na rin ang mga pag­lulunsad ng community pantry sa mga barangay sa lalawigan ng Pampa­nga upang maibsan ang gutom na nararanasan ng mga pinaka-apektadong Kabalen sa lokalidad.

Ilan sa mga nagtayo ng community pantry ang Brgy. San Isidro sa pamumuno ni Kapitan Ber Talao upang matulungan ang kanyang mga nasasakupang mahihirap.

Pinutakte din ng mga Kabalen ng Brgy. San Pedro sa pamumuno ni Kapitan Boy Masu ang mga inilatag na mga noodles, itlog, sardinas, at iba pang mga produktong pagkain sa itinatag na community pantry, parehong sa lungsod ng San Fernando, sa na­bang­git na lalawigan.

(RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Arrest Caloocan

2 holdaper timbog sa Caloocan

ARESTADO ang dalawang hinihinalang holdaper sa ikinasang follow-up operation ng mga awtoridad sa 8th Ave., …

Cold Temperature

Baguio temp bumagsak sa 13.8 degrees Celsius

LALONG bumaba ang temperatura sa lungsod ng Baguio nang umabot ito nitong Lunes, 13 Enero, …

Iglesia ni Cristo INC PEACE RALLY Quirino Grandstand

Sa Quirino Grandstand sa Maynila
HIGIT 1.5-M MIYEMBRO NG INC NAGTIPON PARA SA ‘PEACE RALLY’

UMABOT sa higit 1.5 milyong kasapi at tagasuporta ng Iglesia ni Cristo (INC) ang nagtipon …

011425 Hataw Frontpage

4-ANYOS NENE, AMA NATAGPUANG PATAY SA ISANG MAKATI CONDO  
Murder-suicide tinitingnang anggulo

NATAGPUANG wala nang buhay ang isang 22-anyos lalaki at kaniyang 4-anyos anak na babae sa …

Chavit Singson Vbank VLive

Manong Chavit pinahalagahan kalusugan, pagtakbong senador iniatras

“MGA kaibigan, mahalaga na maayos ang kalusugan para magpatuloy ako sa pagtulong at magbigay ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *