Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kakai Bautista
Kakai Bautista

Kakai ‘di makalagari dahil sa pandemya

SI Kakai Bautista, isa rin sa apektado ng pandemya, lalo na pagdating sa trabaho.

Ngayon kasi, hindi tulad dati, bawal ang “maglagari” sa maraming projects.

“Kasi ano, kailangan n’yong mag-usap-usap, kailangang magbigayan ng very light tapos kailangan ahead yung time ‘pag sinabing may taping sa ganito,  may taping sa ganyan.

“So kailangan hati-hatiin ‘yung time.

“Nung una nakaka-stress kasi bago kasi para sa ating lahat ito so… dati kasi pwede kang umuwi, tapos raraket ka riyan, taping ka riyan, tapos balik ka ulit doon sa isang show. 

“Ngayon hindi, eh . Kailangan mo talagang i-manage ‘yung time mo ng tama, na lahat ano, hindi mawawala.

“Pero sa akin, mayroon talagang isang show na magsa-sacrifice, kasi ‘pag tinamaan talaga ‘yung schedule niyon, tapos mas kailangan ako rito sa show na ‘to,  iyon ‘yung ano, iyon ‘yung mananalo.

“So may isang mawawala.

“Pero okay lang kasi alam ko naman din na mayroon pang chance na bumalik,” sinabi pa ni Kakai na mainstay sa First Yaya ng GMA.

Bida sa First Yaya sina Sanya Lopez (bilang si Melody Reyes) at Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta). Nasa nabanggit na teleserye rin sina Sandy Andolong, Pancho Magno, Gardo Versoza, Glenda Garcia, at Pilar Pilapil.

Kasama rin sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso.

Nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo, Cai Cortez, Thia Tomalla, Anjo Damiles, Clarence Delgado, Thou Reyes, at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio, at Mikoy Morales.     

Napapanood ang First Yaya mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. at idinidirehe nina LA Madridejos at Rechie del Carmen.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …