Thursday , December 26 2024
Philhealth bagman money

Reimbursement ng PhilHealth sa private hospitals, aabonohan ng DBP

PABOR ang Palasyo na saklolohan ng Development Bank of the Philippines (DBP) ang PhilHealth sa pagbabayad ng reimbursement ng mga pribadong ospital upang makaagapay sa CoVid-19 pandemic.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi katanggap-tanggap na naaantala ang reimbursement sa mga pribadong pagamutan ng PhilHealth dahil ang pondong ito ang inaasa­han upang magpatuloy ang kanilang operasyon.

“Talagang hindi katanggap-tanggap na natatagalan ang reimbursement. Although nagbayad ng P9 billion recently ang PhilHealth, apparently hindi ito sapat or baka hindi na talaga na-release,” sabi ni Roque sa virtual Palace press briefing kahapon.

“Kung hindi kaka­yanin ng mga hospital na mag-operate, e sino ang magbibigay ng mga hospital bed capacity na inaasahan natin from the private hospitals,” ani Roque.

Panahon na aniya upang tanggapin ng PhilHealth ang suhestiyon ng DBP na babayaran nito nang advance ang mga ospital kapag nakapag­sumite ng mga kauku­lang dokumento at ang kailangang pagka­sun­duan nila ay ano ang mga dokumentong kailangang isumite.

“Mayroon na pong mga inirekomendang hakbang, for instance, ang DBP ay nag-offer na po, sila ang mag-a-advance ng mga receivables ‘no subject to submission of documents ‘no. So, sa akin po, panahon na siguro para pag-aralan talaga ng PhilHealth itong suhestiyon ng DBP ‘no. Bills purchase po ang tawag diyan at ang importante lang naman na pagkasunduan ng DBP at ng PhilHealth ay kung ano iyong mga dokumento na dapat ipresenta para ma-recover or masingil ng mga ospital na pribado sa DBP muna, at DBP ang kukobra/kukolekta sa PhilHealth,” sabi ni Roque.

Humingi ng tulong ang Private Hospitals Association of the Philippines sa Malaca­ñang para pabilisin ang hospital reimbursement ng PhilHealth dahil sa  problemang hindi nag­tutugma ang submitted records mula sa regional PhilHealth, sa records sa PhilHealth central office.

Nangangamba ang mga ospital na maaari silang magsara dahil wala silang pambili ng mga gagamitin para sa CoVid-19 patients kapag nagtagal pa ang reimbursement ng PhilHealth.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *