Saturday , November 16 2024

Gamot sa CoVid-19 libre sa Maynila

LIBRENG iniaalok ng pamahalaang lungsod ng Maynila,

bilang bahagi ng kampanya kontra pandemyang dulot ng CoVid-19, ang dalawang gamot na mahirap hanapin at napakamahal na maaaring makapagbigay lunas sa mga pasyenteng nahawa o naimpeksiyon ng nasbaing virus.

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, lokal na pamahalaan ay mayroong Remdesivir gayondin ang gamot na Tocilizumab (Actemra 80mg) na maaaring makatulong sa mga CoVid-19 patient na nasa severe at critical condition.

Aniya, nasa 1,000 Tocilizumab ang dumating sa lungsod ng Maynila nito lamang nakaraang araw na kahalintulad ng Remdesivir ay maaaring makatulong na malunasan ang mga nararanasang sintomas ng pasyente na may CoVid-19 partikular ang nasa malala at kritikal na kondisyon.

Ayon kay Mayor Isko, sa mga nagnanais makakuha ng mga nasabing gamot, maaaring makipag-ugnayan sa Manila Health Department o kaya ay tumawag sa Hotline ng Manila Emergency Operation Center (MEOC).

Maaari rin silang makipag-ugnayan sa pamunuan ng anim na pampublikong ospital ng lungsod kabilang dito ang Gat Andres Memorial Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Ospital ng Maynila, Sta. Ana Hospital, at Justice Jose Abad Santos Medical Center.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *