Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

‘Eyeball-holdap’ buking ‘Poser’ sa socmed, arestado

NADAKIP ang isang trabahador sa azucarera matapos magpanggap na babae sa social media para pagnakawan ang kanyang mga biktima, sa isang entrapment operation na ikinasa ng mga awtoridad sa Crossing Gaston, Brgy. Punta Mesa, bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alvin Amandog, 27 anyos, residente sa Brgy. Tortosa, sa nabanggit na bayan.

Ayon kay P/Lt. Abegael Donasco, Negros Occidental police deputy information officer, nagpa­panggap si Amandog na isang magandang babae sa Facebook at gumagamit ng ilang pekeng pagkakaki­lanlan.

Inaakit umano ang kanyang mga biktima, saka yayayaing makipagkita, pero tututukan ng baril at pagnanakawan.

Nagsampa ng reklamo sa himpilan ng pulisya ang ilan sa kanyang mga nabik­tima kaya agad nagkasa ng entrapment operation ang Manapla police laban sa suspek.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, dalawang baril, isang basyo ng bala ng kalibre .38 baril, cellphone charger, at sling bag na nabatid na pag-ari ng dalawa sa kanyang mga biktima.

Ani Donasco, sasam­pahan ang suspek ng mga kasong may kaugna­yan sa panlilinlang, ilegal na droga, pagnanakaw, at ilegal na pagmamay-ari ng armas.

Hinihimok ng pulisya na lumutang ang iba pang mga nabiktima at sam­pahan ng reklamo ang suspek.

Binalaan ni P/Col. Romy Palgue, provincial director ng Negros Occidental PPO, ang netizens na maging maingat sa pakikipagkita sa mga taong nakikilala sa social media upang hindi mabiktima ng mga kriminal na nagpapang­gap na iba ang pagkatao.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …