Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
gun shot

2 sibilyan pinagbabaril, sundalo arestado (Sa Pangasinan)

DINAKIP ng mga awto­ridad ang isang miyembro ng Philippine Army na pinaniniwalaang bumaril sa dalawang sibilyang residente sa lungsod ng Urdaneta, lalawigan ng Pangasinan, nitong Martes ng gabi, 6 Abril.

Kinilala ng lokal na pulisya ang suspek na si Private First Class Nicho Argos, 27 anyos, ng Brgy. Dilan Paurido, sa nabanggit na lungsod, na sinabing binaril, gamit ang kanyang service firearm, ang mga biktimang sina Celine Doria, 20 anyos, at Fernando Manzano, 28 anyos, kapwa residente rin sa lungsod ng Urdaneta.

Ayon sa ulat, nakiusap si Doria kay Argos na ihatid siya sa kanilang bahay mula sa handaang pareho nilang dinaluhan ngunit dinala siya ng suspek sa isang hotel.

Nagawang matawa­gan ni Doria ang kanyang nobyong si Manzano na sumunod sa kanila.

Nang komprontahin niya ang suspek, inilabas ni Argos ang kanyang baril saka pinaputukan ang mga biktima. Agad nadala sa Urdaneta District Hospital ang dalawang biktima na tinamaan ng bala ng baril sa kanilang mga binti.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …