Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Willie Revillame

Tutok To Win ni Willie ililipat sa Puerto Galera

LALAYAS muna si Willie Revillame sa Metro Manila bilang bago niyang tahanan at studio ng programa niyang Tutok To Win.

Sa rest house ni Willie sa Puerto Galera muna mapapanood nang live ang kanyang daily show. Ang approval na lang ng pamahalaan ng Puerto Galera at GMA Network ang hinihintay ng TV host para matupad ang kanyang hiling.

Inanunsiyo ni Wiillie last Monday sa live edition ng kanyang show ang bagong plano niya. Sa episode na ‘yon, wala na siyang dancers at iilan na lang ang staff sa lugar na ginagawa niyang studio na madalas ay sa kanyang Wil Tower.

“Hindi na po pinayagan ng kanilang mga magulan ang dancers ko. So kung matuloy kami sa Puerto Galera, isa na rin ako sa magiging staff. Magbabawas kami,” pahayag ni Willie.

Eh may mga staff din kasi si Willie na nate-test na positive sa Covid-19 kahit araw-araw na may swab test sa kanilang lahat.

Lumayo man siya sa studio o Wil Tower, patuloy pa rin siyang maghahatid ng tulong sa kababayang nangangailangan.

Bukod sa perang ipinamimigay, inaayos na lang ni Willie ang regulasyon sa pamimigay ng bigas mula sa isa niyang sponsor na nag-donate ng P3-M bilang tulong, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …