Saturday , December 21 2024

Nameke ng medical certificate para mabakunahan arestado

DINAKIP ang ilang indibidwal na gumagamit ng pekeng medical certificate upang makapanlamang para ma-qualify sa mga sektor na babakunahan.

Sa ibinahaging impormasyon ni Office of the Mayor Chief of Staff Cesar Chavez,  nakaku­long na sa Manila Police District at iniimbestiga­han ang mga nasabing indibidwal.

Partikular na iniimbes­­ti­ga­han ang mga clinic at mga sinasabing nagbigay ng prescription sa mga taong nais magpabakuna kontra CoVid-19.

Sa ngayon, tanging ang hanay ng A1 at A3 lamang ang pinahihin­tulutang  mabakunahan dahil sa kakulangan ng suplay sa bakuna.

Kabilang sa nasabing sektor ang health care workers, senior citizens at mga indibidwal na may comorbidity o karamdmaan.

Base sa regulasyon ng Inter Agency task Force maging ang Department of Health (DOH) dapat munang unahin ang frontliners at senior citizens na madaling dapuan ng sakit.

Muling nagpaalala ang DOH sa publiko na maghintay-hintay at lahat naman ay mababakuna­han kapag dumating ang iba pang suplay ng bakuna.

Nagbabala ang puli­sya sa mga nagbabalak pang mameke ng requirements o dokumen­to para lamang makapan­lamang sa mga mas karapat-dapat na mabig­yan ng unang dose ng bakuna kontra CoVid-19.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *