Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Giit ni Kap mauna sa frontliners at senior citizens

SA KABILA ng babala ng Department of the Interior and Local Government (DILG), patuloy na iginigiit ng isang punong barangay mula sa Rizal na isama sila sa mga unang batch ng mga tuturukan ng bakuna kontra CoVid-19 – isang bagay na agad sinagot ng kagawaran.

Ayon mismo kay DILG Undersecretary Epimaco Densing, sasampahan nila ng kaso ang mga magpipilit at lalabag sa National Deployment and Vaccination Plan na nagtatakda ng detalyadong priority sectors na dapat unahin.

Sa isang liham na ipinadala ni Kapitan Rasel Valera ng Barangay San Juan, kinuwestiyon niya ang pagtanggi ng Taytay municipal health office na siya ay bakunahan noong 21 Marso makaraang dumating ang humigit kumulang sa 2,000 dosages ng AstraZeneca vaccines.

Giit ni Valera, dapat aniya siyang mapabilang sa unang batch ng mga babakunahan laban sa CoVid-19 dahil siya ay bahagi ng Barangay Health Emergency Response Team.

Gayon pa man, inili­naw ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, wala talaga sa talaan ng priority sectors ang mga punong barangay.

“Allow me to categorically say na nananatiling ilegal at taliwas para sa mga kapitan ang magpaturok ng bakuna,, una man o kasabay ng health care workers dahil wala sila sa talaan ng mga priority sectors sa ilalim ng National Deployment and Vaccination Program. I should know, ako mismo nagpadala ng mga talaan sa iba’t ibang sektor,” ani Diño sa isang phone interview.

Panawagan ni Diño sa mga kapitan, hintayin nila ang resulta ng petisyong inila-lobby ng Liga ng mga Barangay – “Ginusto ninyong maging Kapitan, panindigan ninyo. Bagamat naniniwala akong may basehan naman ang iginigiit ninyo, mas dapat na maging huwaran kayo sa inyong pamayanan. ‘Pag sinabing hindi pwede, hindi talaga puwede.”

Una nang naiulat ang pagpupumilit ni Valera na mabakunahan sa unang araw ng local vaccination para sa medical frontline healthcare workers nito lamang nakaraang Linggo. Gayon p aman, nanindigan ang mga nangangasiwa sa vaccination center, sabay giit na dapat anilang unahin ang nasa 2,000 frontline healthcare workers sa kanilang lokalidad.

Pagkatapos bakuna­han ang healthcare workers, agad umanong isusunod ang may 25,000 senior citizens sa nasabing bayan.

Nagpahayag ng hina­nakit ang mga nanganga­siwa sa pagbabakuna kaugnay ng paratang na pinopolitika ang isina­sagawang pagtuturok ng bakuna para sa priority sectors. Paliwanag ng local vaccinators, sumu­sunod lamang sila sa Department of Health na una nang nagbabalang kakasuhan ang mga nangangasiwa sa vaccination centers sa sandaling sila’y tumaliwas sa “priority list of vaccine recipients.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …