SA PAGLABAG sa itinatakda ng batas, pinasasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act ng Commission on Audit (COA) ang mga dating opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa kontrata sa pagbili ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bombero na nagkakahalaga ng mahigit P1.7 bilyon.
Nabatid sa 68-pahinang report ng COA, pinakakasuhan sina dating DILG Secretary Jose D. Lina, Jr.; Atty. Marius Corpus, dating DILG Undersecretary; Gen. Francisco Senot, BFP fire chief; Senior Supt. Jose Collado; Senior Supt. Eduardo Lagumbay; Atty. Agripino Morga, DILG Representative; Senior Inspector Edwin Tabaranza, Senior Supt. Nimfa Cuartel, Supt. Leonard Consolacion, Chief Inspector Joseph Bacareza, Engr. Arsenio Rodriguez, Jr., Senior Fire Officer 4 Aniceto Herrera, Jr., Fire Officer 2 Renato Plantado, Senior Insp. Mario Cruz, Senior Insp. Renato Molina, Ruben Bearis, Jr., Ludivina Quinto, Supt. Florante Cruz, Supt. Arturo Ofreio, Teofista Anos, Anos Research Manufaturing (ARM) owner; Ma. Estrella Anos-Garcia, ARM General Manager; Chief Supt. Enrique Linsangan, Chief Insp. Henry Mojica, Chief Insp. Jerry Candido, Atty. Marino Bermudez, Engr. Nelson Se, Lilibeth Simangan, Reynaldo Quirante, Umalab Tadina, Elizabeth Paquinto, Ma. Villa Miranda, Chief Supt. Rolando Bandilla, Inspector Stephen Jardeleza, Oscar Villegas, Globert Paul Garcia, Leroy Enriquez, Chief Inspector Jhufel Brananola, Inspector Benjamin Ventajar, Ruel Geronimo, Zaide Eloy, Raul Flores, Jr., Leonardo Sabellina, Jr., at Chief Superintendent Carlito Romero.
Ayon sa COA report, inirekomenda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga naturang opisyal dahil sa paglabag sa Laws, Rules and Regulations ng kaukulang provision ng RA No. 9184 na mas kilala bilang “Government Procurement Reform Act” at sa Implementing Rules and Regulation (IRR), ganoon din sa Executives Order No. 262 dahil sa pagkuha ng 184 fire trucks at iba pang gamit ng bombero na aabot sa halagang P1,712,519,864.00.
Nabatid sa COA report na nilabag umano ng mga naturang opisyal ang section 4 (6) ng Presidential Decreee No. 1445 at ang COA Memorandum.
Saas sa COA report, dahil sa mga naturang paglabag inirerekomenda ng ahensiya na ang mga naturang opisyal at indibidwal ay sampahan ng kaso dahil sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Idinagdag sa COA report, ang resulta ng audit ay base sa procurement ng fire trucks nitong nakalipas na 2002 at 2006-2010, cold fire concentrate nitong 2005 at 2007, at fire hose nozzles nitong nakalipas na 2005 ng Bureau of Fire Protection (BFP).