Monday , December 23 2024

PH made-vaccine ilalarga ng DOST (Research fund tinipid, Budget mas maliit sa Manila Bay)

ni ROSE NOVENARIO

ISINUSULONG ng administrasyong Duterte ang pagsusumikap na magkaroon ng ambag sa buong mundo ang Filipinas sa paghahanap ng lunas sa coronavirus disease (CoVid-19), ayon sa Palasyo.

Kinompirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na lumalarga ang inisyatiba ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato dela Peña na magtatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) na magde-develop ng kakayahan ng bansa na magkaroon ng sariling bakuna.

Tuloy pa rin aniya ang mga clinical trial para sa virgin coconut oil, Tawa-Tawa at sa blood plasma bilang mga lunas sa CoVid-19.

Ngunit may ilang nagdududa a sinseri­dad ng Palasyo sa pag­suporta sa research ng DOST sa bakuna lalo na’t P284 milyon lamang ang inilaang pondo pambili ng equipment at iba pang pangangailangan upang masimulan ang research activities sa ilalim ng panukalang VIP para sa taon 2021.

“Mas mahal pa ang ginastos ng DENR na P389 milyon para sa Manila Bay ‘Dolomite’ beach kompara sa research para sa bakuna,” anang isang observer.

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *