Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest posas

Pekeng dentista tiklo sa Isabela

NAKORNER ang isang 21-anyos dental technician sa bayan ng Ramon, lalawigan ng Isabela sa isang entrapment operation nitong Martes, 9 Marso, matapos magpang­gap na isang dentista upang mahikayat ang kanyang mga kliyente sa mas murang ustiso at mga retainer.

Kinilala ang suspek na si Jolly Mae Soriano, 21 anyos, huli saktong tumatanggap ng marked money mula sa undercover agent na nagpagawa ng retainer sa kanya.

Ayon kay Timoteo Rejano, hepe ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Isabela, inamin ni Soriano na wala siyang lisensiya upang maging dentista.

Ani Soriano, inaamin niya ang kanyang pag­kakamali at humihingi siya ng pangalawang pagka­kataon dahil bata pa ang kanyang dalawang anak na babae at wala umanong mag-aalaga sa kanila.

Ayon kay NBI agent Federico Salamero, ikinasa ng mga awtoridad ang entrapment operation matapos ireklamo ng mga miyembro ng Philippine Dental Association Isabela – Kalinga Chapter ang ilegal na gawain ni Soriano.

Nasamsam ng mga ahente ng NBI ang mga dental equipment at iba pang kagamitang gina­gamit ni Soriano.

Dagdag ni Salamero, kung mapatutunayang nagkasala, makukulong ng dalawang taon at pag­mumultahin ng P200,000 si Soriano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …