Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health protocols higpitan — Isko

PINAHIHIGPITAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang pagpapatu­pad ng health protocols sa kalsada at mga barangay.

Kasunod ito ng ginanap na directional meeting na pinangunahan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domago­so kasama si MPD Director P/BGen. Leo Francisco at mga station commander na ipinag-utos ng alkalde ang mahigpit na pagpapatu­pad ng health protocols upang matigil ang tumataas na bilang ng kaso ng CoVid-19 sa lungsod.

Inatasan ng alkalde si Manila Barangay Bureau director Romeo Bagay na i-lockdown ang alinmang barangay na patuloy ang paglobo ng CoVid-19.

Kinakailangan ani­yang makipag-ugnayan sa alkalde para sa security plan.

Inatasan rin ni Isko na umikot ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na magsisilbing tagasita o CoVid-19 marshals laban sa mga pasaway sa kalsada.

Ang naturang utos ay gagawin nang tuloy-tuloy lalo sa susunod na dalawang linggo.

Ani Mayor Isko, ipinag-utos sa ibang departamento ng pamahalaang lungsod na ihanda ang pagde-deliver ng monthly food boxes para sa buwan ng Marso sa 700,000 pamilya sa buong Lungsod.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Goitia

Goitia: Gawang-Pilipinas na COBRA System, Hudyat ng Bagong Yugto sa Pambansang Depensa

Ang pag-turn over ng gawang-Pilipinas na Controller Operated Battle Ready Armament (COBRA) automated weapon system …

fake news

Walang pasok sa 26 at 29 Nobyembre fake news — Recto

FAKE NEWS ang Memorandum Circular 47 na nagsasabing walang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno …

Money Bagman

AICS ng DSWD ‘kinupitan’ 14 barangay execs sinampahan ng kaso

NAGHAIN ng reklamo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Office of the …

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …