Monday , December 23 2024

Tatlong bata ni Duterte kontrapelo sa pagdating ng AstraZeneca CoVid-19 vaccine sa bansa

TATLONG opisyal na sanggang-dikit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magka­kaiba ang pahayag kaugnay ng pagdating sa bansa ng CoVid-19 vaccine na gawa ng British-Swedish pharmaceutical company AstraZeneca.

Pareho ng pahayag sina Presidential Spokesman Harry Roque at Sen. Christopher “Bong” Go na darating ngayong 7:30 pm sa Villamor Airbase ang 487,200 doses ng AstraZeneca CoVid-19 vaccine mula sa COVAX facility.

“Good news po — inaasahan na darating bukas ng gabi, 7:30 pm ang 487,200 doses ng vaccines mula sa AstraZeneca. At sasalu­bu­ngin po namin mismo ni Pangulong Duterte ang mga bakuna mula po sa COVAX facility. Ito pong 487,200 vaccines mula po sa AstraZeneca,” ani Go.

Sinusugan ni Roque ang sinabi ni Go pero mismong si vaccine czar Carlito Galvez, Jr., ay tumangging kompir­mahin ang imporma­syong isinapubliko nila.

“I cannot confirm yet kasi dalawang beses na kaming nakoryente riyan,” sabi ni Galvez sa vaccine rollout sa St. Luke’s Medical Center – Global City sa Taguig City kahapon.

“Ang ano namin, kapag lumipad na ang aircraft sa Belgium, that’s the time that we can confirm,” dagdag ni Galvez.

Matatandaang na­udlot ang nakatakdang pagdating ng 525,600 doses ng AstraZeneca vaccine noong Lunes bunsod ng kakulangan sa supply.

Noong Linggo ay dumating  sa bansa ang 600,000 doses ng bakuna na gawa ng Sinovac ng China at itinurok sa mga medical frontliner sa CoVid-19 referral hospital at iba pang ospital ng pama­halaan at dalawang ospital ng St. Luke’s Medical Center.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *