Saturday , November 23 2024
Caloocan City

Caloocan, utility companies nag-dialogo sa pag-aayos ng mga kable

NAGKAROON ng dialogo ang pamahalaang lungsod ng Caloocan sa utility companies hinggil sa pagsasaayos ng mga kable ng koyente sa lungsod.

Sa direktiba ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan, ang dialogo ay isinagawa sa layuning maging kaagapay ang utility companies sa pag­sa­saayos ng pamahalaang lungsod sa mga nakalaylay at mga sala-salaba na kable.

“Nais po natin matiyak ang seguridad ng mga mamamayan sa abala at peligrong dulot nito. Kaya, hinihingi po namin ang inyong tulong at suporta upang linisin at maisaayos ang mga kable. Ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na tayo sa inyong magiging aksyon,” pahayag ni City Administrator at Officer-in-Carge ng City Engineering Department, Engr. Oliver Hernandez.

Sa dialogo ay napag­desisyonan na bumuo ng Task Force na mangu­nguna sa proyekto at iba pang magiging bahagi ng pamahalaang lungsod at ng mga kompanya hinggil sa proyekto.

Magkakaroon din ng memorandum of agreement (MOA) na tatalakayin sa susunod na dialogo.

Kabilang sa mga nakibahagi sa dialogo ang mga kinatawan mula sa Globe, Smart, Meralco, PLDT, Converge, at iba pa. (JUN DAVID)

 

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *