Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Duterte magpapaturok ng bakuna sa publiko (Nagbago ng isip)

NAGBAGO ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya isasa­publiko na ang pag­papaturok ng bakuna kontra coronavirus disease (CoVid-19) upang makombinsiang mga mamamayan na mag­pabakuna.

“I think the President has said he will now have himself vaccinated publicly. He only has to announce when it will be done,” sabi ni Presidential Spokesman Harry Roque kahapon sa virtual Palace press briefing.

“That’s, of course, in recognition of the fact na naghihintay ng senyales ang taong bayan kung talagang sila’y magpapabakuna o hindi. I think that is a policy that we will now pursue,” aniya.

Noong nakalipas na buwan, sinabi niyang sa puwit magpapabakuna kaya’t kailangan pribado itong gawin.

Hindi binanggit ni Roque kung anong brand ang ituturok sa Pangulo ngunit noong nakaraang taon ay inihayag ng Punong Ehekutibo na kursunada niya ang CoVid-19 vaccine na gawa ng China o Russia.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …