PATOK sa international audience ang pelikulang Tagpuan na ipinrodyus at pinagbidahan ni Alfred Vargas.
Patunay nito ang Best Feature Film na napanalunan ng movie sa 6th Chauri Chaura International Film Festival kamakailan sa India.
Ganado si Alfred sa pagpo-produce pa ng movies dahil sa recognition na natanggap ng Tagpuan.
“Thank you, Lord! Hanggang tainga ang ngiti ko. Such a good news!” bahagi ng pahayag ni Alfred.
Pero ayaw solohin ng kongresista ang karangalan.
“Filmmaking is a collaborative work. And the awards and recognition are a result of all the hard work of an entire village of collaborators.
“This honor belongs to everyone. Producing films is a great undertaking that requires a lot of sacrifices.
“And validation such as an award is a reminder that nothing good comes easy and that all hard work is worth it.
“The key to this recognition was us being true to our core. And our core is our being Filipinos narrating Filipino experience enveloped in a spirit that is truly Pinoy,” saad pa ng actor-producer.
Sa ngayon, nakatatanggap na nng offers si Alfred bilang producer para sa TV at online platform rights para sa Tagpuan. Asahan ang malawak pang audience ng Tagpuan sa ba’t ibang platforms!
Congrats, Alfred, direk Mac Alejandre, at sa buong Tagpuan team!
I-FLEX
ni Jun Nardo