Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead gun

Sundalong off-duty todas sa sariling baril

PATAY ang isang sundalong off-duty na aksidenteng nabaril ang sarili habang nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa bayan ng Tukuran, lalawigan ng Zamboanga del Sur, nitong Linggo, 31 Enero.

Kinilala ni P/Capt. Jubain Grar, hepe ng Tukuran police, ang biktimang si Army Staff Sergeant Neil Gonzales, na ayon sa mga nakasaksi ay aksidenteng nakalabit ang kanyang kalibre .45 baril habang inilalagay ito sa safety mode.

Nabatid na kinuha ni Gonzales ang kanyang baril mula sa kanyang baywang at ililipat sa kanyang sling bag.

Natamaan ng bala ng kanyang sariling baril ang kaliwang bahagi ng ulo ni Gonzales na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.

Kabilang si Gonzales sa 1st Infantry Division Training School ng Philippine Army sa kalapit na bayan ng Pulacan.

Napag-alaman na bumisita si Gonzales sa kanyang mga kaibigan sa Brgy. Sto. Niño, sa naturang bayan, habang off-duty.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …