Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
internet connection

Internet speed plans ng telcos target ng NTC

IPINASUSUMITE  ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga plano’t pamama­raan ng  telcos para sa kasegurohang pagsulong at pagpapabilis sa sistema ng internet ngayong taon 2021.

Kaakibat ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong nakaraang taon sa telcos na mapagbuti ang serbisyo ay inatasan ang NTC para sa lahat ng public telecommunications na isumite hanggang 20 Enero ang kanilang “roball-out plans” para sa taon ngayong 2021.

Inimpormahan ng NTC ang DICT na isusulong ang implemen­tasyon ng telco’s roll-out plans partikular ang unang dalawang quarter sa panahon ng 2021 July SONA.

Magsasagawa rin ng buwanang pagpupulong ang NTC at ang DICT sa mga telcos upang mase­gurong ginagawa ang kanilang isinimiteng roll-out plans.

Ang NTC at DICT ay tutulong sa telcos sa anumang kakaharaping problema sa implementasyon ng roll-out plans partikular sa “red tape” challenges.

Sa kabila ng mga pagsubok na dulot ng CoVid-19 pandemic, ang internet speed ng ating bansa ay patuloy na gumaganda base sa Ookla findings nitong nakaraang December 2020.

Sa halos 120 milyon tests na isinagawa sa ating bansa nitong 2020 ay iniulat ng Ookla na 297.47% ang isinulong sa ating pambansang internet average download speed for fixed broadband at 202.41% naman para sa mobile broadband kompara sa 2016 speeds.

Ang ating pamban­sang average download speed para sa fixed broadband ay napabilis mula sa 7.91 Mbps (Hulyo 2016) na naging 31.44 Mbps (Disyembre 2020), samantala ang average download speed para sa mobile broadband ay sumulong din mula sa 7.44 Mbps (Hulyo 2016) ay naging 22.50 Mbps (Disyembre 2020).

Ang 3rd major telco player na DITO ay maglulunsad ng komersiyal na serbisyo sa Marso 2021 kaya ang Globe at Smart ay tinaasan ang kanilang capital expenditures tulad ng Globe na tutustos ng P90 bilyon at ang Smart naman ay P92 bilyon para sa 2021.

Ang DITO naman ay may planong higitan ang Globe at Smart na gumu­gol naman ng P150 bilyon nitong nakaraang taon sa kanilang infrastructure roll-out.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …