Sunday , December 22 2024

PH senior citizens puwera sa bakuna — Galvez (23 Norwegian seniors patay sa vaccine)

ni ROSE NOVENARIO

ETSAPUWERA muna ang mga senior citizen sa pila ng mga prayoridad na tuturukan ng CoVid-19 vaccine sa Filipinas.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., napag-usapan nila ni Health Secretary Francisco Duque III na uunahing bakunahan ang 18-anyos hanggang 59-anyos at saka na lamang tuturukan ng CoVid-19 vaccine ang senior citizens kapag mayroon nang bakuna na angkop sa kanilang edad.

Ang pahayag ni Galvez ay matapos mapaulat na 23 Norwegian senior citizens ang namatay matapos maturukan ng CoVid-19 vaccine na gawa ng Pfizer.

“Sinabi namin na mas maganda ‘yung original plan namin na 18 hanggang 59 [years old] lang muna at hahanap tayo ng bakuna na pang-matanda talaga,” ani Galvez sa panayam sa DZBB.

“Based sa initial report ng Norway, talagang delikado ‘yung 80 and above. So ‘yun ang talagang titingnan natin lalo na ‘yung talagang may kompli­kasyon at talagang nakikita natin ‘yung mga frail. Kasi titingnan natin din ‘yung risk and benefit ng bakuna natin,” dagdag ni Galvez.

Nauna rito’y sinabi ni Galvez na ang CoVid-19 vaccine na gawa ng Pfizer ang unang darating sa Filipinas at ginawaran na ito ng emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *