Sunday , December 22 2024

Apuradong Cha-cha ekstensiyon ng Duterte political dynasty

TINULIGSA ng Communist Party of the Philippines (CPP) ang pagsusulong ng mga alipores ni Pangulong Rodrigo Duterte na maamyendahan ang 1987 Constitution bilang bahagi ng mga iskema para manatili ang Duterte political dynasty.

Sa isang kalatas ay iginiit ng CPP na minamadali ni Pangulong Duterte ang lahat nang pagsusumikap na maikasa ang kanyang mga iskema gaya ng Charter change na inilunsad sa Kongreso.

Inihain nina Sens. Ronald “Bato” dela Rosa at Francis Tolentino ang isang resolusyon para sa pagbubuo ng isang constituent assembly habang ilang pinuno ng Mababang Kapulungan ay itinakda ang Cha-cha sa kanilang agenda simula ngayong linggo.

Anang CPP, base sa tunguhin ng mga hakbang ng Senado at Kamara ay malaki ang posibilidad na aapurahin ang Cha-cha gamit ang kontrol ng supermajority sa ‘rubberstamp congress.’

“The ruling clique wishes to amend the 1987 constitution to either extend Duterte’s term of office in the guise of transitory provisions or to remove restrictions against him running for a second term. The rotten Duterte politicos are riding on this opportunity to push their self-serving aims of extending their own terms of office to give them more time to accumulate wealth and power.”

Target din umano ng mga alipores ni Duterte na gawing ganap ang economic liberalization sa pamamagitan ang pag-aalis ng restriksiyon sa 1987 Constitution upang payagan ang mga dayuhang kapitalista na 100% magmay-ari ng lupain at negosyo sa Filipinas.

Ang “complete liberalization” umano ay magbibigay ng buong karapatan sa mga dambuhalang dayuhang kapitalista na pag­samantalahan ang human at natural resources ng bansa.

“The complete liberalization of the Philippine constitution was a promise Duterte gave to US President Donald Trump in 2017 in exchange for more military support to Duterte’s bloody anti-communist war of terror. By pushing charter change, Duterte can also secure more US fighter jets, drones, helicopters, bombs, rockets and other war matériel to boost his cruel and horrific war against the people,” pahayag ng CPP.

“The fascists also want charter change in order to redefine the bill of rights and remove the universality of human rights in the constitution. Its aim is to erode bourgeois democracy and give the state unprecedented powers to restrict people’s rights in the guise of defending ‘national security’.”

Natatakot umano si Duterte na lisanin ang Malacañang sa 2022 at maharap sa posibilidad na litisin at maparusahan sa mga isinagawa niyang “mass murder, corruption, at treason.

“Having committed innumerable and unspeakable crimes while in office, having surrendered the country’s patrimony and economic sovereignty, and driven by an insatiable greed for wealth and power, Duterte is increasingly fearful of leaving Malacañang in 2022 and facing the possibility of criminal prosecution and punishment for mass murder, corruption and treason.”

Nanawagan ang CPP sa sambayanang Filipino na kagyat na kumilos upang tutulan ang Cha-cha ni Duterte at kontrahin ang mga pakana upang pata­himikin ang publiko gamit ang Anti-Terror Law.

Nagbabala rin ang CPP laban sa iba pang umano’y dynastic schemes ni Duterte gaya ng pagdedeklara ng revolutionary government upang magtatag ng isang pasistang diktadura at mga balak na tiyakin na mamanahin ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang trono sa Palasyo.

“The CPP calls on the people to raise their vigilance and oppose Duterte’s other dynastic schemes including declaring a “revolutionary government” to establish a fascist dictatorship and efforts to secure the 2022 elections to ensure that his equally fascist, ambitious and power-hungry daughter Sara will inherit his throne.”

Hinimok ng CPP ang mga Pinoy na bilisan ang kahilingan para ma­igpawan ang pandemya at malalang krisis pang-ekonomiya, tutulan ang Cha-cha at isulong ang panawagan para sa umento sa sahod, emergency economic aid, trabaho, libreng bakuna, libreng testing at treatment ng COVID-19 patients , suspensiyon ng pagpataw ng dagdag na buwis at kanselasyon ng mga utang ng mga magbubukid.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *