Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

P93K+ utang ng bawat Pinoy P10.13 Trilyon, utang ng PH

ANG bawat isa sa mahigit 108 milyong Filipino ay may utang na P93,323.70 dahil puspu­san ang pangungutang ng administrasyong Duterte na umabot na sa P10.3 trilyon hanggang noong nakalipas na Nobyembre.

Batay sa datos ng Bureau of Treasury, ang P10.3 trilyong utang ng bansa noong Nobyembre 2020 ay mas mataas ng 1.1% noong Oktubre 2020.

Aniya, si Duterte na ang “heaviest debtor” sa kasaysayan ng Filipinas – sa average na P63 bilyong utang kada buwan kompara kay Gloria Macapagal-Arroyo na P21 bilyon at Benigno Aquino III sa P19 bilyon.

Inaasahan ng Treasury na aabot sa P11.98 trilyon ang utang ng Filipinas sa katapusan ng 2021 bunsod ng mga gastusin sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.

Nauna rito’y isiniwa­lat ng think-tank group na Ibon Foundation na si Pangulong Rodrigo Duterte ang pinaka­malakas mangutang na Presidente sa kasaysayan ng Filipinas – sa average na P63 bilyon utang kada buwan kompara kay Gloria Macapagal-Arroyo na P21 bilyon at Benigno Aquino III sa P19 bilyon.

Ayon sa Ibon Foundation, ang bawat pamilyang Pinoy ay may pagkakautang na mahigit P400,000.

Kalahati ng pamil­yang Filipino ay kumikita lamang ng P22,000 pababa kaya’t ang pagkakautang nito na mahigit P400,000 ay katumbas ng 18 buwan kita o isa’t kalahating taon.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Joey Salceda

Salceda, walang kinaalaman sa ‘2024 national budget insertions’

MATINDING pinabulaanan ni dating Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang paratang na mayron siyang kinaalaman …

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …