Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kasunod ng military ops vs NPA 300 residente sa Capiz nagbakwit

NAPILITANG magbakwit ang halos 300 indibiduwal mula sa bayan ng Tapaz, sa lalawigan ng Capiz, matapos ang operasyon laban sa ilang hinihinalang miyembro ng New People’s Army sa lugar, kung saan napaslang ang siyam katao.

Tinatyang 60 pamilya o halos 300 katao mula sa Barangay Lahug nitong Biyernes, 1 Enero ang mapilitang lumikas dahil sa takot kasunod ng ope­rasyong nangyari noong nakaraang buwan.

Pansamantala silang nakikituloy ngayon sa isang civic center sa parehong bayan. Nabatid na siyam ang napatay ng militar at pulisya habang 17 ang nadakip sa pagsisilbi ng mga warrant sa anila’y mga hinihinalang rebelde sa mga bayan ng Tapaz sa Capiz, at Calinog sa Iloilo.

Ngunit ayon sa grupong PAMANGGAS, ang mga napatay ay pawang kasapi umano ng indigenous organization na Tumandok nga Mangu­nguma nga Nagapangapin sa Duta kag Kinabuhi.

Nauna nang binatikos ng ilang grupo ang operasyon at iginiit na hindi mga miyembro ng NPA ang mga napatay.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …