Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Fan Girl, nangunguna sa MMFF2020

HATAW sa trending topics sa Twittter ang hashtag na #PauloAvelino nitong nakaraang mga araw.

Nang buksan namin ang comments thread, tumambad ang screen shot ng isang lalaking umiihi. Ayon sa ilang netizens, eksena umano iyon sa filmfest entry na Fan Girl na pinagbibidahan ni Paulo.

Mahirap nga lang paniwalaan kung si Paulo nga ang lalaking ‘yon. Wala kasing ulo at sa kargada nakasentro ang kuha.

Napansin naman ng ibang netizens ‘yung kulay ng balat ng lalaki. “Bakit maitim? Flawless si Paulo, ‘di ba,” komento ng netizen.

Kung si Paulo nga o hindi ang lalaking umiihi, napukaw ang atensiyon ng manonood dahil ayon sa reports ng kita sa streaming ng festival entries, nangunguna sa sampu ang pelikulang Fan Girl.

Kasunod nitong kumikita ang Mang Kepweng ni Vhong Navarro, ang horror movie na The Missing ng Regal, at ang Pakboys Takusa ng Viva Films.

Ayon sa impormasyon, may sales report ang Upstream sa income na pumapasok sa entry na pinanonood.

Hanggang January 7 pa ang MMFF at kahapon ang virtual awards night.

May umaangal na kampo nga lang sa nominees dahil naisnab ang ilang aktor at director sa kanilang kategorya, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …