Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Illegal logging, mining talamak pa rin sa Isabela (Gov Albano nagsisinungaling,)

KASABAY ng pag-amin ni Cagayan Governor Manuel Mamba na mayroon at nanatili ang ilegal na pagtotroso at pagmimina sa Cagayan na pinoprotektahan pa ng mga tiwaling mayor, binatikos naman ng ilang grupo si Isabela Governor Rodito Albano sa patuloy nitong pagtanggi at pagsisinungalinhg na wala nang ganitong aktibidad sa Isabela.

Ayon kay Alyansa Tigil Muna (ATM) National Coordinator Jaybee Garganera wala man silang hawak sa ngayon na ‘actual evidence’ ay maraming ‘circumstantial’ at aktwal na karanasan mismo ng mga residente na magpapatunay na hindi natigil ang ilegal na pagmimina at pagtotroso sa Isabela.

Giit ni Garganera, kung magkakaroon lamang ng aerial survey gaya ng ginagawa noon ng yumaong si Enviroment Secretary Gina Lopez ay makikita ang massive deforestatation at ang presensiya ng mga heavy equipment na nagsasagawa ng pagtitibag at pagmimina sa Isabela gayondin sa Cagayan.

“Huwag sanang magbulag-bulagan si Governor Albano at ang mga opisyal ng Isabela, kahit sinasabi nilang wala ay kabaliktaran ito dahil mayroon naman talaga. Ang problema sa illegal mining, quarrying at logging ay magkakaugnay, para makapag-operate ng minahan at quarry ay kailangan magputol ng puno at ‘yan ang nangyayari,” pahayag ni Garganera.

Gayondin ang pahayag ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) President Danilo Ramos, aniya, nakalulusot pa rin ang illegal loggers at miners dahil sa pagkonsinti ng lokal na pamahalaan, ang mga nagsasabi umano na wala nang ilegal na pagtotroso at pagmimina ay siyang dapat na imbestigahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of the Interior and Local Government (DILG) dahil maaaring nagtatakip ito sa tunay na sitwasyon.

Inamin ni Mamba, tatlong alkalde na may kasabwat na uniformed personnel ang sangkot at protektor ng ilegal na pagtotroso sa Cagayan, mgunit hindi niya pinangalanan ang mga tiwaling alkalde na pawang mayayaman na.

Sa datos ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO), ang bayan ng Peñablanca at Baggao sa Cagayan ay nananatiling illegal logging hotspot zone sa probinsiya.

Unang inamin ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nagkaroon ng lapses sa enforcement kaya hindi napipiglan ang illegal mining at logging activities sa Isabela at Cagayan.

Asahan aniya, sa oras na matapos ang imbestigasyong ginagawa ng DENR at ni Interior Secretary Eduardo Año ay may mga mananagot na sangkot sa ganitong ilegal na gawain.

Sinabi ni Año, ang nangyari sa Cagayan at Isabela ay dapat nang magsilbing wake-up call sa bawat isa para seryosohin ang eleksiyon.

“Our citizens need to learn and vote for those who are serious and have no connections to anything illegal. We need to pick, otherwise we would be experiencing these things over and over again,” pahayag ni Año.

Ang pamilya Albano at pamilya Dy ay may ilang dekada nang namumuno sa Isabela. Ang kasalukuyang gobernador na si Albano ay dating Isabela 1st District representative, ang kasalukuyang vice governor nito na si Faustino “Bojie” G. Dy Ill ang dating gobernador ng lalawigan.

Ang pamilya Albano ang may hawak ng congressional seat ng Isabela First District mula 8th Congress hanggang 17th Congress.

Si dating Isabela Vice Governor Tonypet Albano, kapatid ni Gov. Albano, ang humalili sa Kamara bilang kinatawan ng Unang Distrito habang mga kaanak din ang nakaupo sa ibang distrito, si Paul Ian Dy ang Isabela 3rd District representative habang 5th District congressman naman si Faustino Michael Dy III, at 6th District si Inno Dy.

Maging ang nahalal sa Provincial Board ay mga pamangkin din ng mga Albano at Dy.

Sa loob ng 32 taon ay mga Albano at Dy ang nagpapalitan sa puwesto sa lalawigan tuwing matatapos ang kanilang three-term limit.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …