Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PH mangungutang ng $300-M pambili ng CoVid-19 vaccine

MANGUNGUTANG ng $300 milyon ang administrasyong Duterte para ipambili ng bakuna laban sa CoVid-19.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kamakalawa ng gabi.

“Nandito na ang bakuna. So it’s being sold. Iyong iba sa —- I don’t know, it would be not good to assume that there’s a black market for that. But Sonny says that he can borrow money of 300 million plus to — US dollars, 300 million dollars. So malaki iyan. Makabibili tayo but I think it would do as well to also realize that unahin talaga nila iyong mga tao nila,” aniya.

Ang China at ang Amerika ang nakapagmanupaktura ng bakuna kaya hindi na nakatatakot aniya ang CoVid-19.

“China na o Pfizer of America, mayroon na sila. So hindi na nakakatakot talaga ang CoVid. But pagka ngayon magbili ka, mahal,” sabi niya.

Ngunit ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, aabot lamang sa halagang $5 kada bakuna ang naaprobahang gawa ng pharmaceutical giant Pfizer sa Amerika at ibebenta ito sa Filipinas.

“Ayon kay Philippine Ambassador ng Estados Unidos Babes Romualdez, ang Pfizer ang nangunguna sa US na maa-approve dahil sa 90% efficacy. Ito ay ibebenta partikular sa Filipinas na hindi naman gaanong kamahalan, marahil ay humigit-kumulang $5 per shot,” sabi ni Roque.

Tiniyak ng Pangulo na mangunguna sa mga makikinabang ng libreng bakuna ang mahihirap na Pinoy habang ang mula sa class A at B sa lipunan ay  kailangan bilhin ang CoVid-19 vaccine dahil mayayaman naman umano sila. (ROSE NOVENARIO)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …