Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shaira, bagong pagseselosan ni Bianca

NAKU, may chance na pagselosan ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang kapwa Kapuso actress na si Shaira Diaz, huh!

 

Si Shaira kasi ang bagong babae  ni Ruru Madrid sa gagawin nitong action-adventure GMA series na Lolong.

 

Sa report sa 24 Oras, nabigla nga si Shaira nang siya ang mapiling kapareha ni Ruru. Inakala niyang audition lang ang gagawin pero nang sabihin na siya ang partner ng Kapuso actor, naiyak siya sa tuwa!

 

Anyway, wala mang kompirmasyon mula kina Ruru at Bianca na may relasyon sila, open na sila sa pag-post ng pictures nilang magkasama sa kanya-kanyang social media account.

 

Remember na ang huling pinagselosan ni Bianca ay si Jasmine Curtis-Smith na nakapareha ni Ruru sa pelikulang Cara X Jagger.

 

Umubra naman kaya kay Shaira ang pagiging maharot ni Ruru eh mayroong Edgar Allan Guzman na boyfriend?

 

Abang-abang na lang tayo sa mga ganap once magsimula na ng taping sina Ruru at Shaira ng Lolong, huh!

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …