Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
DICT Department of Information and Communications Technology

Kuratong Baleleng Gang rubout at Dacer-Corbito double murder case suspect, itinalagang DICT exec

MATAPOS maging suspect sa dalawang heinous crime sa nakalipas na dalawang dekada, itinalaga bilang opisyal ng Department of Information and Communications Technology (DICT) si dating police colonel Cezar Mancao II.

 

Kinompirma ni Presidential Spokesman Harry Roque na hinirang ni Pangulong Rodrigo Duterte si Mancao bilang Executive Director V ng Cybercrime Investigation and Coordination Center ng DICT.

 

Kompiyansa aniya ang Palasyo na ang “credentials” ni Mancao ay makapag-aambag sa cybercrime prevention sa bansa.

 

“We are confident that Mr. Mancao’s credentials would contribute in cybercrime prevention in the country,” ani Roque sa kalatas.

 

Matatandaan, si Mancao ay naging testigo sa Dacer-Corbito double murder case at tumakas mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI) noong 2013 bago mailipat sa Manila City Jail makaraang maging suspek sa krimen.

 

Itinuro ni Mancao ang dati niyang amo na si Sen. Panfilo Lacson bilang utak sa pagpatay kay PR man Salvador “Bubby” Dacer  at driver na si Emmanuel Corbito nang pabalikin siya sa Filipinas mula sa Amerika maging sina dating police colonels Michael Ray Aquino at Glenn Dumlao, mga akusado rin  sa Dacer-Corbito double murder case, noong 2009.

 

Nauna rito, kasama rin si Mancao sa mga akusado sa Kuratong Baleleng Gang rubout case noong 1995. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …