Thursday , December 26 2024

Mega web of corruption: Anak ni Kabayan sabit sa IBC-13 illegal wage hike — COA

ni ROSE NOVENARIO

HILAHOD, naghihingalo at walang pera ang kompanya.

Ito ang mga katagang madalas ikatuwiran ng management ng government-owned and controlled corporation (GOCC) at state-run network Intercontinental Broadcasting Network (IBC-13) kapag humihiling ng umento sa sahod ang mga ordinaryong empleyado sa nakalipas na 12 taon.

Habang ang IBC-13 Board of Directors ay idinahilan na bukod sa board resolution ay kailangan pa ng basbas ng Pangulo ng Filipinas bago makapagpatupad ng wage hike sa state-run network.

Sa inilabas na 2019 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA) kamakalawa, ibinuko na umabot sa P1.817 milyon ang nakamal na dagdag-sahod ng mga opisyal ng IBC-13 noong nakaraang taon kahit walang board resolution at go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Isiniwalat ng COA, ipinasok ng mga opisyal ang kanilang Representation and Transportation Allowance (RATA) sa buwan ng Mayo hanggang Disyembre 2019 sa kanilang basic salary makaraang magpalabas ang COA ng Notice of Suspension dahil walang legal na basehan.

Base sa ulat, mula Mayo hanggang Di­syem­bre 2019 ang President at CEO ay nakatanggap ng umento sa sahod na ‘walang basehan’ sa kabuuang P408,520.

Si Katherine Chloe Sinsuat De Castro, anak ni dating Vice President at batikang broadcaster Noli de Castro, ang nakaupong President at CEO ng IBC-13 bago siya itinalagang General Manager ng PTV-4 nito lamang taon.

Umabot sa P148,368 ang natanggap na wage hike ng Production Manager, Finance Department Manager, P179,688; Internal Audit Manager, P182,552; On Air and Traffic Service Manager, P193,032; HR and Admin Manager, P216,392, at Engineering Manager, P133,256.

Dagdag pa rito ang kabuuang P355,227 na 13th month at bonus na natanggap ng mga opisyal ng kompanya.

Depensa ng Human Resource Department (HRD) nagiging basehan umano ng management na isama ang kanilang RATA sa basic salary ang Secretary’s Certificate na may petsang 27 Pebrero 2020 na inaprobahan ng IBC-13 Board of Directors sa kanilang isinagawang meeting noong 22 Enero 2020.

Lumalabas na ipinatupad muna ng mga opisyal ang naturang umento sa kanilang sahod bago pa nagkaroon ng Board Resolution at kahit wala itong approval mula sa Office of the President alinsunod sa mga legal na kautusan.

Giit ng COA, sa ilalim ng Section 6 ng Presidential Decree No. 1597 kailangan sundin ang mga patakaran, polisiya at approval na manggagaling sa tanggapan ng Pangulo.

“Due to non-observance of guidelines and policies issued by the President on the salary increase of IBC-13 officers, the payments of such salary increase, 13th month pay differential and bonus differential to IBC-13 officers in the total amount of P1.817 million were without legal basis, thus, disallowable in audit,” ayon sa COA.

Inirekomenda ng COA na ihinto ang implementasyon ng kuwestiyonableng ‘salary increase’ ng mga opsiyal hanggang magkaroon ng approval ang Office of the President.

Nauna nang inilathala ng COA sa kanilang website ang 2019 Report on Salaries and Allowances (ROSA) ng mga opisyal ng IBC-13.

Base sa 2019 ROSA, ang tinanggap na magkasamang sahod at allowances ni De Castro bilang President & CEO/BOD Member ay P2,761,478.76; Corazon Reboroso bilang Manager ay P1,077,367.82; Jose Ramos, Jr., bilang Manager ay P969,247.22; Josefino Girang bilang Manager ay P926,768.10;  David Fugoso bilang Manager ay P914,932.38; Gina Borinaga bilang Manager ay P838,341.98; Ronie Suarez bilang Manager ay P707,565.34; Ma. Corazon Robles bilang Manager ay P639,911.56; Maria Victoria Batacan bilang Director ay  P763,408.10; Ma. Magdalena Gasmido bilang Director ay  P693,972.68; Marivic Villanueva bilang Director ay P643,969.65; Gina Jalandon bilang Director ay P391,053.93; Jose Avellana bilang BOD Chairman P45,000.00; Jaime Alanis bilang BOD Member P45,000.00; Arturo Alejandrino bilang BOD Member P45,000.00; Jose Rafael Hernandez bilang BOD Member P40,000.00; at Alexander Bangsoy bilang BOD Member P30,000.00.

Kamakailan ay tinabla ng Board of Directors ng  state-run network ang ipina­ngakong P3,000 umento sa sahod ng mga mang­gagawa.

Nabatid sa liham ng IBC Employees Union (IBCEU) kay Pangulong Rodrigo Duterte noong 28 Agosto 2020 na ikinatuwiran ng BOD sa pagbasura sa hirit nilang P3,000 wage hike, na tanging Pangulo ng Filipinas ang puwedeng magbigay ng go signal sa umento sa sahod ng GOCC gaya ng IBC-13.

“The management and the Union verbally agreed on the implementation of the 3,000 pesos monthly basic pay increase starting September 2020 or equivalent to 100 pesos a day. But during the board of directors meeting yesterday August 26, 2020, the agreed 3,000 pesos wage increase by the management and the union was disapproved,” sabi ni Alberto Liboon, pangulo ng IBCEU, sa liham kay Pangulong Duterte.

“Hence, we are asking for your help as it needs presidential approval as stated by the board of directors,” dagdag niya.

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *