ISINAILALIM sa hard lockdown ang Guagua Public Market sa lalawigan ng Pampanga, matapos magpositibo sa CoVid-19 ang dalawang vendor at isang empleyado rito.
Ayon sa panayam kay Guagua Mayor Dante Torres, nadagdagan ang panibagong bilang sa pito at isang tindero na ang namatay sanhi ng CoVid-19 kung kaya napagpasyahan na i-extend pa hanggang ngayon, 24 Agosto, ang lockdown mula sa itinakdang apat na araw upang mabigyang daan ang pag-disinfect sa buong palengke.
Umaapela ang alkalde sa mga mamamayan na dagdagan ang pag-intindi at pasensiya lalo ang mga nawalan ng kita.
Patuloy ang ginagawang disinfection ng mga tauhan ng General Services Office at mga kawani ng Manpower and Training Center alinsunod sa ipinag-utos ni Governor Dennis “Delta” Pineda na personal na iniinspeksiyon ang naturang pamilihan.
(RAUL SUSCANO)