Saturday , November 16 2024

Conspiracy case vs critics ng PECO ibinasura ng DoJ

WALANG sapat na merito, ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang kasong graft, conspiracy at falsification of public documents na isinampa ng Panay Electric Company (PECO) laban sa mga kritiko na kinabibilangan ng mga abogado at advocates na nasa likod ng ‘No to PECO Franchise Renewal.’

Sa resolution na ipinalabas ng DOJ na isinulat ni Prosecutor General Benedicto Malcontento, sinabi nito na walang basehan ang kasong isinampa ng PECO laban kina Atty. Joshua Alim, Atty. Plaridel Nava II, Dr. Marigold Gonzales, at Jane Javellana.

“It is clear as the day that the respondents did not falsify any document,” nakasaad sa resolusyon na pirmado nina DOJ State Prosecutor Gilmarie Fe Pacamarra at Senior State Prosecutor Richard Anthony Fadullon.

Ang kaso ay nag-ugat matapos ang kumalat na  manifesto ng Iloilo consumers na “No to PECO Franchise Renewal” na sinasabing pinasi­mulan ng mga respondents.

Ang nasabing manifesto ay kumalat sa Iloilo hanggang sa Kongreso na dinidinig noon ang franchise renewal application ng PECO.

Iginigiit ng PECO, ang manifesto na may lagda ng may 27,000 residente ay pineke at naglalayong paboran ang More Electric and Power Corp (More Power).

Sa reklamong graft na isinampa laban kina Alim at Nava, kapwa dating Iloilo city councilors, sinabi ng DOJ na wala silang nakitang paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) ng dalawang opisyal nang lumagda sa manifesto.

Una nang idinepensa nina Alim at Nava na ang kanilang reklamo at aksiyon laban sa PECO ay kanilang tungkulin bilang halal na opisyal lalo pa’t batid nila ang reklamo ng consumers sa serbisyo ng PECO kabilang ang overbilling, billing without reading, inefficient services at mahinang customer service.

Ipinalabas ng PECO na nakipagsabwatan sa dalawang abogado sina Gonzales at Javellana sa pamemeke ng lagda para sa manifesto na ayon sa DOJ ay wala rin matibay na ebidensiya.

Nang hingan ng reaksiyon sinabi nina Alim at Nava, sa naging desisyon ng DOJ ay nakamit ng mga Ilonggo consumers ang hustisya.

“It’s pretty obvious from the very start that Mr. Cacho of PECO has no legal basis in filing those cases against us. It was a harassment tactic just to get even with us after its franchise was not acted upon favorably by the Committee on Legislative Franchises in the Lower House,” ani Alim.

Itinuring naman ni Javellana na sa simula pa lamang ay harassment na ang motibo sa isinampang reklamo sa kanila ng PECO.

“It’s definitely a case of harassment to intimidate and stop us to do the right thing. But we knew that it was a fight worth fighting for.  The Ilonggos deserve better and we deserve more from our electric distributor.  Indeed, this victory is sweet and a victory that is reserved for those who are willing to pay its price. Thank God we did it!” pagtatapos ng abogado.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *