Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miss Universe Philippines Coronation Night, tuloy sa October 25

“TULOY pa rin. Well, sana umayos na tayo,” pahayag ni Jonas Gaffud, Creative and Events Director ng Miss Universe Philippines, nang makausap siya ni Jojo Gabinete para sa Cabinet Files ng PEP.PH tungkol sa gaganaping Miss Universe Philippines.

Sa October 25, 2020 na ang coronation night na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Maaari lamang magkaroon ng pagbabago sa petsa, depende sa sitwasyon ng Covid-19 pandemic.

Ang mismong Miss Universe ay malamang sa first quarter ng 2021 idaos.

Samantala, 200,000 facemasks ang donasyon sa Miss Universe Philippines Organization ng Miss Universe Singapore National Director na si Valerie Lim.

Matagal nang magkaibigan sina Jonas at Valerie, at ang donasyon ni Valerie ang naging instrumento para makapagbigay ang Aerian Essentials, isang facemask brand, ng kabuhayan sa mga kababayan nating nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.

 

“We need to innovate and strategize if we want to survive. This was a daunting project but we are constantly encouraged by positive feedback.

“We also know that our intentions are appreciated by our stakeholders, and this is what keeps us going,”  sabi ni Jonas tungkol sa desisyon nitong dalhin sa mga Filipino ang facemask brand na binuo at idinisenyo ng fashion designer na si Albert Andrada.

Mula sa Singapore ang patented nanosilver fabric ng Aerian Essentials, na brainchild ni Dr. Liu Hongjun, ang world-renowned chemist na may expertise sa green technology.

Ipinagmalaki ni Jonas na breathable, comfortable, at may functional design ang Aerian Essentials na tumatagal ng apat na buwan kapag ginamit at mabisang proteksiyon laban sa mga bacteria at virus.

Para sa mga interesado sa Aerian Essentials, maaaring mag-inquire sa cellphone number 09178623645.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …