Saturday , November 16 2024

2-M shares sa Dito binawi ng Mercedes importer

AYAW paawat ni Auto Nation Group, Inc., chair Greg Yu sa pagbebenta ng kanyang shares sa DITO-CME Holdings Corp., ang kompanya na magpapatakbo sa third telco player sa bansa.

Ang Auto Nation ang exclusive distributor ng Mercedes Benz at American auto brands Chrysler, Dodge, Jeep at  Ram sa Filipinas.

Sa report ng isang website, ibinenta ng DITO independent director ang kabuuang 2.312 million shares mula 11 Agosto hanggang 13 Agosto sa selling price na mula P3 hanggang P3.20.

Nagbulsa si Yu ng tinatayang P7 milyon mula sa kanyang divestment at lumiit ang kanyang stake sa 56.368 million shares.

Noong nakaraang buwan ay ibinenta ni Yu ang P16 milyong halaga ng kanyang DITO shares sa average na P3.76.

Ibinenta ni Yu ang kanyang shares bago pa ipinasa ng negosyanteng si Dennis Uy ang kanyang posisyon bilang presidente ng DITO kay dating PLDT executive Ernesto Alberto. Mananatili naman si Uy bilang chairman at CEO ng kompanya, na naghahanda na para sa pag-arangkada ng operasyon ng third telco sa susunod na taon.

Kamakailan ay binawi at ibinenta rin ng Singapore fund Accion ang buong 30 porsiyentong sosyo nito sa Dito CME Holdings Corp.

“Singapore fund Accion divests from Uy’s Dito stock… Accion had zero shares in Dito CME Holdings based on its ownership report on July 14, 2020,” ayon sa report.

Noong Agosto 2018, binili ng kompanyang Accion ang 842 milyong share of stock mula sa kompanya ni Uy sa halagang P1.45 per share, o may kabuuang halaga na P1.22 bilyon.

Ang sosyohan sa kompanya ni Uy at bilihan ng shares of stock nito ay umarangkada noong 2018 nang mapabalitang makukuha ang titulong ‘third telco player’ na umano’y babasag sa duopoly ng PLDT at Globe Telecom.

Nagkatotoo ang nasabing balita nang ang dating Mislatel consortium na pinamunuan ni Uy, na ngayon ay Dito Telecommunity, ang nanalong ‘provisional winner’ sa bidding noong 7 Nobyembre 2018 para sa third telco player sa bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *