Monday , December 23 2024

6 PhilHealth regional officers naghain ng LOA

KINOMPIRMA ng Palasyo na anim na regional officers ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang naghain ng leave of absence.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ang anim na opisyal ng PhilHealth ay hindi ang tinukoy na “mafia” ni Senator Panfilo Lacson bagkus sila’y tinawag pang ‘heroes’ ni PhilHealth board member Alejandro Cabading sa kanyang testimonya sa Senado.

Ani Roque, nag­pasyang magbakasyon ang anim bilang pagtalima sa panawagan ni Justice Secretary Menardo Guevarra na mag-leave ang lahat ng nabanggit sa isinagawang imbestigasyon sa PhilHealth.

“We consider this as the right and proper thing to do,” ani Roque.

Muling nanawagan ang Palasyo sa lahat ng opisyal ng PhilHealth na kasama sa pagsisiyasat ng Senado at Kamara lalo ang mga miyembro ng Executive Committee na mag-leave din gaya ng anim na regional officers.

Batay sa ulat, ang anim na regional vice presidents — Paolo Johann Perez (Mimaropa), Valerie Anne Hollero (Western Visayas), Datu Masiding Alonto, Jr., (Northern Mindanao), Khaliquzzman Macabato (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao), Dennis Adre, at William Chavez — ay nagpaalam na iiwan muna nila ang kani-kanilag posisyon simula 17 Agosto 2020.

(ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *