Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sunog sanhi ng jumper at poste ng koryente naibsan sa Iloilo City (Bagong power utility pinuri)

MULA sa dalawa hanggang tatlong  insidente ng sunog na naitatala kada buwan dulot ng illegal power connection sa mga squatter areas sa Iloilo City, wala pang nagaganap na sunog sa nakalipas na limang  buwan mula nang tanggalin sa Panay Electric Company (PECO) ang pangangasiwa sa power supply ng koryente at i-takeover ng bagong distribution utility na More Power and Electric Corp., (More Power).

Matapos ang takeover agad tinutukan ng More Power ang problema sa jumper at overloading ng mga linya ng koryente.

Ayon kay Iloilo East Baluarte Barangay Chairman Gary Patnubay, ang pagkakaroon ng mga jumper ang pinakamalaking problema noon kaya madalas ang sunog, nasa 30 hanggang 40 porsiyento ng kanyang constituents ang nasa illegal connections, ngunit nang pumasok ang More Power at nagkaroon ng programa para magkaroon ng legal na linya ng koryente ay 75% na ng mga residenteng nag-apply para sa kanilang sariling kontador.

“I’m been very hands-on in assisting my constituents in these processes and I can say that those who have been in the illegal connections are now moving to become legitimate consumers of electricity which only proves that More Power is indeed in the right direction,” pahayag ni Patnubay.

Hindi lamang umano sa mga squatter areas mayroong mga jumper kundi maging sa mayayamang residente ay nahuhulihan din na may illegal connection.

“Ang nangyayari kasi kapag naputulan ng koryente dahil hindi nakapagbabayad, ang gusto ng PECO bayaran nang buo ang multa at utang, hindi pinapayagan ang staggered payments kaya hindi na nababalik ang kontador, ang ginagawa ng mga residente sa illegal connections na lang at hindi na ito namo-monitor ng PECO dahil mahina ang kanilang monitoring, ito ang dahilan kaya maraming illegal connections sa Iloilo,” paliwanag ni Patnubay.

Sa 2019 Technical Study ng MIESCOR Engineering Services Corp., ay natukoy na mayroong 30,000 illegal connections sa Iloilo, ito ang itinuturong dahilan ng pagtaas ng systems loss na umabot sa 9.3%.

Bukod sa jumper malaking dahilan din ng maraming sunog sa lalawigan ang pole fires.

Sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isinumite sa Energy Regulatory Commission (ERC), mula 1 Enero 2014 hanggang 29 Oktubre 2019 ay nasa 2,887 sunog na naganap sa Iloilo City at sa nasabing bilang ay 1,464 kaso o 51.187 porsiyento ay mula sa poste ng PECO.

Inilistang dahilan ng BFP na sanhi ng pagkasunog ng mga poste ng PECO na gawa sa kahoy ang short circuit dahil exposed ang electricity wires at overloading, dala na rin ng mga jumper.

Sa ngayon ay nakabinbin pa rin sa ERC ang imbestigasyon sa serye ng pole fires sa Iloilo City batay sa naging reklamo ni Iloilo City Mayor Jerry Treñas na nauna nang nagpahayag ng pangamba na mauwi sa malaking sunog sa lalawigan ang naitatalang pagkasunog ng poste ng PECO kung hindi agad matutugunan ang problema.

Samantala sinabi ni Ariel Castañeda, hepe ng Apprehension Team ng More Power na door to door crackdown na ang kanilang ginagawa sa inilunsad na “Oplan Valeria” na naglalayong matukoy ang illegal connections.

Sa nakalipas na dalawang linggo, nabatid na nasa 3,000 residente na gumagamit ng jumper ang kanilang naaresto.

“Apprehending illegal electric connections is a taxing task and most definitely involves the greatest risk on the part of the apprehenders but the efforts to rid the city of illegal connections are certainly paying off,” ani Castañeda.

Sinabi ni Castañeda, nabawasan ang power interruptions sa mga lugar kung saan may mga nasawata silang illegal connections.

Sa taas ng bilang ng mga gumagamit ng jumper sa Iloilo City, sinabi  ni More Power President Roel Castro na kinonsinti ito ng PECO dahil sa kawalang aksiyon sa loob ng maraming taon.

Bunga nito, umapela si Castro sa mga patuloy pa gumagamit ng ilegal na koneksiyon na tigilan na ito kaysa maaresto at magbayad ng multa na aabot sa P120,000.

Aniya, mas pinadali at pinamura na ang pagpapakabit ng linya ng koryente sa ilalim ng  I-Connect project sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at mga barangay.

Kaugnay nito, naglunsad ang More Power ng isang Community Energy Forum, layon ng regular platform na matalakay ang mga isyu patungkol sa power utility sa hangarin na maging maayos at transparent ang operasyon sa mga consumer.

Sinabi ni Division Federated Parents Teachers Association (DFPTA) President Roger Calzado, malaking tulong ang pagiging bukas ng linya ng More Power sa mga consumer.

Tinukoy niya ang dalawang oras na troubleshooting na ginagawa ng kompanya kapag mayroong aberya sa koryente kompara sa karanasan nila sa PECO na inaabot ng isa hanggang tatlong araw bago maibalik ang supply ng koryente.

Pinuri din ng DFPTA ang aktibong information dissemination ng power utiltiy na nalalaman nila agad ang mga schedule ng brownout dahil sa gagawing preventive maintenance works kaya maaga silang nakapaghahanda sakaling mawalan ng supply ng koryente na malayo umano sa PECO.

Bukod sa hindi gumagana ang mga hotline numbers ay mangangapa sila sa dilim kung bakit biglang nawalan ng supply ng koryente.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …