Thursday , December 26 2024

Matinding korupsiyon sa LGUs pahirap sa Telcos

NAPAG-ALAMAN ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang matinding kuropsiyon at red tape sa mga LGU o lokal na pamahalaan ang sanhi ng mabagal na pagpapabuti at reporma sa serbisyo ng mga telco sa bansa.

“It’s really corruption,” pahayag ng pangulo sa pakikipag-usap sa presidente at chief executive officer ng Globe na si Ernest Cu.

Nangyari ang pag-uusap matapos magbanta si Duterte sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) na maaaring ipasara ng gobyerno ang mga higanteng telcos gaya ng Globe at Smart kung matapos ang taon na walang magandang pagbabago sa mga serbisyo nito.

Inilantad ni Cu na katakot-takot at napakaraming permit at dokumento ang hinihingi at kung ano-anong mga bayarin ang sinisingil ng mga LGU sa Globe para mapahintulutang makapagtayo ng karagdagang telecommunication tower.

Ayon kay Cu, inaabot nang walong buwan ang pagpoproseso ng mga permit, at pabago-bagong rin ang mga permit na hinihingi kung kaya hindi na nila alam kung matutuloy pa ang mga proyekto ng Globe na magpapabuti sa serbisyo nila sa taongbayan.

“Isipin niyo lang ho ‘yun, sir, kung nag-apply kami ng 5,000 towers times 28 or 30 permits ay ilang libong permit ang kukunin namin para makapag-umpisa?” sumbong ni Cu.

“Alam mo you can ask Bong (Sen. Bong Go), or Sonny (Finance Sec. Carlos Dominguez III) or the generals, kay [DILG] Sec. Año. Isumbong ninyo na lang nang deretso,” mariing sagot ni Duterte.

Kasama ang pagtatayo ng mga telco towers sa programa na “ease of doing business” ng administrasyong Duterte na nagsusulong na mapabilis at maging simple ang mga proseso sa pagbibigay ng mga permit.

 

 

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *