Saturday , November 16 2024
road accident

Ambulansiya inambus nurse, driver kritikal (Sa Palawan)

BINAWIAN ng buhay ang isang nars habang sugatan ang isa pa nang tambangan ng hindi kilalang mga salarin ang isang ambulansiyang may sakay na mga volunteer medical rescuer patungong bayan ng Roxas, sa lalawigan ng Palawan, noong Sabado ng hapon, 1 Agosto.

Kinilala ni P/Lt. Col. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police, ang namatay na nars na si Aljerome Bernardo, 51 anyos; at ang sugatang drayber na si Alex dela Peña, na nasa kritikal na kondisyon.

Ayon sa ulat, binabagtas ng sasakyang may sakay na apat na responder mula sa Rescue 165 na nakatalaga sa bayan ng Dumaran, sa naturang lalawigan, ang national highway sa Bgy. Dumarao sa Roxas, patungong lungsod ng Puerto Princesa, dakong 3:00 ng hapon nang paulanan ng bala ng mga suspek.

Agad binawian ng buhay si Bernardo nang matamaan siya ng bala sa kaniyang dibdib. Kasa­lukuyan nang iniimbesti­gahan ng mga awtoridad ang insidente upang matukoy ang pagkakakilan­lan ng mga suspek at ang motibo sa likod ng pananam­bang, kabilang na posibilidad na napagkamalang police mobile ang ambulansiya.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *