Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mega web of corruption: IBC-13 deadma sa COA report

ni Rose Novenario

ILANG taon nang paulit-ulit na naghahayag ng rekomendasyon ang Commission on Audit (COA) sa management ng Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13) kung ano ang dapat gawin upang maituwid ang pagkalugi ng gobyerno sa kuwestiyonableng joint venture agreement (JVA) na pinasok nito sa R-II Builders/Primestate Ventures, Inc., noong Marso 2010.

Ayon sa 2017 at 2018 Annual audit report ng COA, dapat magsumite ang IBC-13 ng revised/amended JVA para aprobahan ng National Economic Development Authority (NEDA) na magsasaad ng pagsunod sa mga patakaran kaugnay sa JVA.

Ngunit nagtaingang-kawali lang ang IBC-13 management sa ilang taong paninita ng COA sa mga iregularidad sa state-run network.

Wala rin naglalakas ng loob na isiwalat ang itinatagong baho ng IBC-13 at ang katahimikan ng lahat sa nagaganap na iregularidad ang nagbigay daan sa kasalukuyang sitwasyon ng state-run network, naghihingalo, nasa bingit ng pagsasara, at naagaw pa ang pagmamay-aring mahigit tatlong ektaryang lupain.

Ayon sa source, nakatakda umanong magsagawa ng spot audit ang COA sa state-run network na ikinabahala umano ng management.

Ngunit kasabay umano nito ay may direktiba ang management na lahat ng kawani at opisyal ng administration at finance department ay “work from home.”

“Sanay sa pagmahika ng dokumento ang mga tumanda na sa bulok na sistema rito. Kahit sino ang iupong pinuno ng IBC-13, habang nariyan ang galamay ng ‘sindikato’ nasa kumunoy ang kompanya,” anang source.

Matatandaan noong nakalipas na Abril, dalawang opisyal ng IBC-13 ang inireklamo dahil sa isinama sa listahan ang mag-amang negosyante at tatlong iba pa sa nabigyan ng Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-MEID) ID kahit hindi taga-media.

Ang limang isiningit sa listahan ay mula sa R-II Builders, ang kompanyang katambal ng IBC-13 sa kuwestiyonableng JVA. (MAY KASUNOD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …