IPINAGLUKSA ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) ang pagpanaw kahapon ni Fidel V. Agcaoili sa Utrecht, The Netherlands sanhi ng sakit sa baga.
“The National Democratic Front of the Philippines (NDFP) announces with deep sorrow the untimely passing of Ka Fidel V. Agcaoili today, 23 July 2020 at 12:45 pm in Utrecht, The Netherlands. He would have turned 76 on 8 August,” inihayag ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chairman Jose Ma. Sison sa kanyang Facebook account kagabi.
Ayon sa doktor, si Agcaoili ay binawian ng buhay dulot ng pulmonary arterial rupture na naging sanhi ng massive internal bleeding ngunit hindi ito konektado sa coronavirus disease (COVID-19).
Iuuwi ang labi ni Agcaoili sa Filipinas base sa hiling ng kanyang pamilya.
Si Agcaoili ay nagsilbing Chairperson ng NDFP Peace Negotiating Panel. (ROSE NOVENARIO)