Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead

Lola natagpuang patay sa sasakyan ng Agusan del Norte provincial gov’t

NATAGPUANG wala nang buhay ang katawan ng isang matandang babae sa loob ng sasakyang pag-aari ng provincial government ng Agusan del Norte nitong Lunes, 20 Hulyo.

 

Nabatid na nakapangalan ang sasakyan sa Agusan del Norte Provincial Capitol at minamaneho ng isang empleyado ng kapitolyo na kinilalang si Rodrigo Agang.

 

Papasok sa trabaho si Agang nang bumungad sa kaniyang  pagbukas ng pinto ng sasakyan ang masangsang na amoy.

 

Nang kaniyang buksan ang likod na bahagi ng sasakyan, nakita niya ang katawan ng isang babae.

 

Sa harapan ng Buenavista Municipal Hall niya ipinarada ang sasakyan noong Biyernes ng hapon, 18 Hulyo, matapos ang kaniyang duty.

 

Nakasanayan na umano niyang iparada ang sasakyan sa lugar dahil naniniwala siyang mas ligtas na iwanan doon ang sasakyan.

 

Iniwan din niyang naka-lock ang sasakyan kaya nagtataka siya kung paanong naipasok doon ang bangkay ng babae.

 

Kinilala ang biktimang si Josephine Parucho, 66, at residente sa Barangay Simbalan, sa bayan ng Buenavista, sa naturang lalawigan.

 

Tinatayang 35 kilometro ang layo ng tirahan ng biktima kung saan natagpuan ang kanyang bangkay.

 

Kabilang sa iimbestigahan ng mga pulis kung ginahasa ang biktima dahil nakababa ang salawal nito nang siya ay matagpuan.

 

Wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima sa nangyari.

 

Inaasahang isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay. ###

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …