Monday , December 23 2024

Jerry Gracio, sariling resignasyon iginiit sa KWF

NAPUNO na ang salop.

 

Hindi na kinaya ng isang opisyal ng gobyerno na magsilbi sa isang administrasyon na aniya’y walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at sa malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado.

 

“Bilang manunulat, hindi ko na kinakaya na magsilbi sa isang administrasyon na walang pagpapahalaga sa karapatang pantao at malayang pamamahayag at lantarang nagpapamansag ng fasismo ng estado,” nakasaad sa ipinadalang resignation letter ni Jerry Gracio para kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang Samar-Leyte Languages Commissioner sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF).

 

“Kay aananuhon pa man an mga yakan, an mga pulong kun patay na an mga tawo? Ano ang silbi ng wika kung patay na ang mga tao?” aniya sa liham na inilathala sa isang tweet kahapon.

 

Ayon kay Gracio, sinamantala ng gobyernong Duterte ang pandemya upang ipasa ang anti-terrorism law sa panahong hindi makalabas ang mga tao para makapagprotesta.

 

“Itong Anti-Terror Act ay malinaw na parte ng paggamit ng state ng puwersa para takutin ang mga tao. Pati ang pagsasara ng network kung saan ako nagtatrabaho, bahagi (siya) ng isang malaking move para sa chilling effect,” sabi ni Gracio.

 

Giit niya, napipilitan na lamang siyang gampanan ang kanyang tungkulin sa KWF dahil wala pang kapalit niya na itinalaga sa puwesto.

 

Pangatlong beses na niyang pagbibitiw sa tungkulin ang ginawa kahapon, una ay nang maluklok sa puwesto si Pangulong Duterte noong 2016 at ikalawa ay noong 20 Enero 2020.

 

Umaasa si Gracio na mabilis na maaaksiyonan ni Pangulong Duterte ang kanyang pagbibitiw.

 

“That’s his prerogative and that’s his opinion. We let it be,” ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Sagot ni Roque sa tanong ng HATAW D’yaryo ng Bayan ukol sa pagbibitiw ni Gracio.

 

Si Gracio, makata, screenwriter, ay nanunungkulang Senior Writer ng ABS CBN, at nagbitiw na Commissioner for Samar-Leyte languages ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay pinagkalooban ng mga gawad at parangal mula sa Gawad Likhaan: The University of the Philippines Centennial Prize for Literature 2015;  Southeast Asia Writers (SEAWrite) Award, at iba pang kara­ngalan. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *