NADAGDAGAN ng 12 bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) ang lungsod ng San Jose del Monte, sa lalawigan ng Bulacan, na karamihan ay pawang mga persons deprived of liberty (PDLs) at mga kawani ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ani Dr. Betzaida Banaag, city health officer, kabilang sa mga aktibong kaso ang isang residente na nagtatrabaho sa Metro Manila.
Dahil sa mga panibagong kaso, umakyat sa 120 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng positibo sa COVID-19 sa lungsod, halos 54 ang aktibong kaso, 58 ang gumaling na, habang walo ang naitalang binawian ng buhay.
Dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, tinipon ni Gov. Daniel Fernando ang mga opisyal ng SJDM sa isang emergency meeting noong Lunes, 6 Hulyo, at ipinag-utos sa health officials na mahigpit na imonitor ang paglabast at pagpasok ng mga residenteng nagtatrabaho sa Metro Manila.
Ayon kay SJDM Mayor Arthur Robes, 70 porsiyento ng kanilang isang milyong populasyon ay nagtatrabaho sa in Metro Manila.