IPINABABALIK ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa Manila Electric Company (Meralco) at ibang distribution utilities ang binayarang “estimated bill” ng mga konsumer noong mga buwan ng Marso, Abril at Mayo.
Maglalabas ng utos ang komisyon sa Meralco at ibang distribution utilities na ibalik ang perang ibinayad ng mga konsumer at mag-isyu ng tamang billing, ayon kay ERC Chairperson Agnes Devanadera.
“Magbibigay kami ng time, siguro within 2 weeks mag-refund na sila,” ani Devanadera.