Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

DOH maglalabas ng mas maaga at maayos na resulta ng COVID-19 cases

NAGPALIWANAG si Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire tungkol sa record-breaking na kaso ng COVID-19 cases na naitala sa Filipinas nitong 3 Hulyo.

Sa inilabas na datos ng DOH,  nadagdagan ng 1,531 katao ang nahawa ng COVID-19 sa bansa dahilan upang pumalo sa 40,336 ang kabuuang bilang ng coronavirus cases.

Ayon sa kalihim, dahil daw ito sa pagbabago nila ng oras upang mag-extract ng data mula sa iba’t ibang ospital.

Mula 5:00 pm ay ginawa nila ito hanggang 12:00 ng tanghali lamang.

Ito umano ang mag­sisilbing paliwanag kung bakit noong 2 Hulyo ay may 294 cases lamang na naitala ang DOH, dahil dito ang mga datos na hindi naisama sa nasabing araw ay idinagdag lamang kahapon.

“Mayroon ho kaming binuo, bagong means of reporting kung saan hindi na ho natin ipakikita ang late at fresh cases. Ang ipakikita na lang natin ay ‘yung additional na mga kaso na pumapasok,” ani Vergeire.

Hindi makakaila ni Vergeire na may mga lugar sa bansa na talagang tumataas ang kaso ngunit hindi raw ibig sabihin nito ay itinatago nila ang tunay na datos.

Bunsod sa mas lumalalang takot ng mga Filipino ay napagdesisyonan ng DOH na tanging additional cases na lamang ang kanilang ilalabas simula sa susunod na linggo para maiwasan ang kalitohan.

Sinabi ni Vergeire, nagbigay ang ahensiya ng letter of intent to join sa World Health Organization (WHO) solidarity trial for vaccine at kasalukuyan itong ipinoproseso.

Nagkaroon ito ng initial discussion sa apat na manufacturing firms ng bakuna upang makasali ang Filipinas sa ginagawang clinical trial ng mga possible COVID-19 vaccine mula sa iba’t ibang bansa.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …