Thursday , December 26 2024

Responde ng Baguio team kailangan sa Cebu para tumulong sa contact tracing

NAKATAKDANG lumi­pad patungong Cebu sa Miyerkoles, 8 Hulyo, ang contact tracing team ng lungsod ng Baguio sa pangunguna ni Mayor Benjamin Magalong upang sanayin ang mga key police personnel para mapabuti ang kanilang sistema ng contact tracing nang sa gayon ay mapigilan ang pagkalat ng coronavirus.

Ani Magalong, mana­natili ang kanilang grupo sa lungsod ng Cebu sa loob ng tatlong araw upang sanayin ang mga pulis na nakata­laga sa contact tracing na pinamumunuan ni Police Regional Office-7 Director P/BGen. Albert Ignatius Ferro.

Gamit ng lungsod ng Baguio ang bagong teknolo­hiya sa contact tracing na nakatulong sa pagpapa­natili ng mababang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Sinabi ni Magalong na gusto niyang ibahagi ang kanilang teknolohiya sa iba pang local government units (LGUs) kaya agad siyang pumayag sa hiling ni Ferro.

Nauna nang nagbigay ng parehas na pagsasanay ang grupo ng alkalde sa mga kalapit na lalawigan ng Baguio na nakaranas ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa conceptual frame­work ng kanilang sistema, kabilang dito ang pagtukoy sa maaaring pinagmulan ng impeksiyon, isolation ng mga natukoy na tao, testing, at pagte-trace ng mga malalapit at malala­yong contacts para i-quarantine, testing, disinfection at medical protocols.

Gumagamit sila ng cognitive interviewing skill, isang paraan ng pagtata­nong na ginagamit ng pulisya upang matukoy ang mga nakasalamuha ng pasyente.

Ito ang magiging bata­yang datos ng pamahalaang panglungsod sa pag­papa­sya kung aling mga lugar ang isasailalim sa lock­down.

Inilinaw ni Magalong, ang susi sa matugampay na contact tracing ay nasa kalidad ng impormasyong makukuha ng mga tracer upang makita ang malinaw na paglalarawan ng impeksiyon sa lungsod.

Kasama sa kanilang ginagamit na sistema ang pagkombinsi sa pasyenteng ibigay ang kanilang pag­kakakilanlan upang mapadali ang contact tracing dahil maaalerto nito ang mga taong kanilang nakasalamuha at maba­bawasan ang haba ng oras ng kanilang paghahanap.

Gumagamit din sila ng computer-aided system, na ayon kay Magalong ay isang mabisang instrumento sa pagtukoy ng mga naka­salamuha ng mga pasyente.

About hataw tabloid

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *