Thursday , June 4 2026

Direk Reyno Oposa Live chat today sa Artists ng Ros Film Production na sina Whamos at Thania Pukutera (Unang kinita sa YouTube 5 digits na)

Maganda ang vision ni Direk Reyno Oposa in life, gayondin sa pinasok na career sa industriya bilang director at film producer na nag-venture na rin sa music. Ngayon ay unti-unti na rin nakilala ng YouTube fanatics si Direk Reyno na sa madaling panahon lang ay nagkaroon na ng 3.3K (still counting) subscribers sa YouTube.

‘Yung kanyang dinirek na Music Video na Inspirado na kinanta ni Ibayo Rap Smith kasama si Leng Altura as of July 5 ay humamig na ng 266,364 views at

maganda rin ang outcome ng latest music video ng Ros Film Production na “Quarantimer” na thousands of views na rin sa YouTube.

At dahil sa tagumpay ng proyektong ito ni Direk Reyno recently lang ay nakuha na nito ang kanyang unang sahod sa YouTube na umabot sa 5 digits. And hoping ang kaibigan naming director na dumami pa ang kanyang subscribers sa Reyno Oposa Official sa YT upang marami pa siyang matulungang new talents.

By the way today, July 6 ay mapapanood ninyo ang Live Chat ni Direk Reyno sa kanyang dalawang artists sa Ros Film Production na sina Whamos at Thania Pukutera, na parehong social media influencer.

Mapapanood ito sa official Facebook Page ni Direk Reyno, at tiyak masaya ito kaya watch ninyo. This July 16 ay nakatakda namang i-release ang bagong Music Video ng “Hindi Na Kita Mahal” na idinirek pa rin ni Oposa. Si Emman Bautista ang artist na kumanta nito.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …