Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
NUJP ABS-CBN

CDO ng NTC vs ABS-CBN tutulan – NUJP

NANAWAGAN ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa mga pinuno ng iba’t ibang news organizations sa bansa at sa mga kasamahang mamamahayag na magkaisa sa ngalan ng propesyon at industriya at hilingin sa pamahalaan na tigilan ang persekusyon o pang-uusig sa ABS-CBN at payagang makabalik sa ere sa ngalan ng kalayaan sa pamamahayag at karapatan ng taong makabatid.

Hinikayat din ng NUJP ang mamamayan na magsalita at ipakita na hindi sila magkikibit-balikat sa pagbabalewala sa mga karapatan at kalayaang tinatamasa.

Naniniwala ang NUJP na ang pagpataw ng dalawang cease and desist orders ng National  Telecommunications Commission (NTC) para itigil ng ABS-CBN ang digital broadcast sa TVPlus sa Metro Manila at sa SKY Cable’s Direct Broadcast Satellite Service ay ‘lohikal’ na hakbang ng administrasyon para tuluyang patahimikin ang network.

        Ang hakbang na ito, ay agad na nag-alis o nagdamot sa 11,000 milyong tahanan – ayon kay ABS-CBN CEO Carlo Katigbak – ng kanilang karapatang makabatid o makaalam o pumili kung paano nila gustong mapakinggan o mapanood ang balita, impormasyon, at paglilibang o pag-aaliw sa pamamagitan ng mga panoorin sa ere.

        Malinaw umano na ang mensahe ng administrasyon ay hindi lamang ang pagnanais na ipasara ang ABS-CBN, kundi nais din ipakita sa buong media industry at sa iba pang news organization na puwede rin mangyari sa kanila ang katulad na kapalaran maliban kung isusuko ang kanilang papel na maging watchdog, mag-ulat nang kritikal at malaya, bilang mahalagang bahagi ng misyon ng media.

Ang lahat ng nabanggit sa itaas, ayon sa NUJP ay hindi dapat lumipas nang walang pagkilos ang media industry.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …