Sunday , December 22 2024

Sakripisyo ng bansa ‘wag sayangin sa GCQ – Palasyo

HINIMOK ng Palasyo ang publiko na ipagpatuloy ang pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa pagbabalik-trabaho ng ilang sektor simula ngayon sa pag-iral ng general community quarantine (GCQ) upang hindi masayang ang sakripisyo ng lahat sa nakalipas na pitumpong araw.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi kaya ng gobyernong labanan mag-isa ang coronavirus disease (COVID-19) at kailangan ang kooperasyon ng lahat.

“The government cannot fight COVID-19 alone. We need the concerted effort of everyone. The sacrifices of our people in the past seventy or so days are laudable and we must not put these to naught. It maybe difficult for some, especially those who will physically report, but we live in extraordinary times and situation,” ani Roque sa kalatas kahapon.

Nanawagan si Roque na alagaan ng mga Filipino ang sarili sa pamamagitan ng pagsusuot ng mask, ipatupad ang social/physical distancing, manatili sa bahay kung walang importanteng gagawin sa labas at iwasan ang matataong lugar. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *