Sunday , December 22 2024

Chinese alternative medicine sa ‘illegal hospitals’ puwede sa medical tourism (Kung aprobado sa FDA)

MAGIGING tanyag ang Filipinas sa larangan ng medical tourism o daragsain ng mga turistang magpapagamot  sa bansa kapag naaprobahan ng Food and Drug ADministration (FDA) ang traditional medicine na ginamit ng mga Chinese sa operasyon ng kanilang underground hospital na sinalakay ng mga awtoridad.

Iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagrerehistro ng FDA sa traditional medicine na ginamit sa mga nabistong ilegal na ospital ng mga Chinese, na nasa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t paglabag sa batas ang illegal operation ng Chinese hospital sa Filipinas kaya dapat itong ipasara pero kailangan din busisiiin ang mga ginagamit nitong traditional medicine na epektibo kaya nakapagpapagaling ng mga pasyente.

“Well, bukod po roon sa pagpapatupad ng batas, isa pa pong ipinag-utos ng Presidente e iyong mabilisang registration ng mga traditional medicine. Alam ninyo, bagama’t ito ay paglabag sa batas natin at talagang hinuhuli iyan at ipinapasara, huwag natin kalimutan na baka naman dahil baka may ginagamot silang mga Tsino e mayroon silang mga gumaganang mga produkto,” ani Roque sa panayam kamakalawa.

“Kaya nga po ang FDA e dati pa po, bago pa magkaroon ng mga raid sa mga illegal clinics na ito ay inutusan na po ng Presidente na pabilisin iyong proseso ng registration lalo na po ng traditional medicine. Iba po kasi ang proseso kapag western medicine at saka traditional medicine, mas expedited po iyong traditional medicine,” dagdag niya.

Katuwiran aniya ng Pangulong mas maraming karanasan ang mga Chinese sa coronavirus disease (COVID-19) at mas maraming ginamit na traditional medicine.

Ayon sa ilang observer, puwedeng mapakinabangan ng gobyerno ang nabuking na traditional medicine para isulong ang medical tourism upang maibangon ang ekonomiyang nailugmok dulot ng COVID-19.

Gayonman, sinomang Chinese ay hindi puwedeng manggamot sa Filipinas dahil esklusibo ang karapatang ito sa mga doktor na Pinoy.

“Yes, it still is because the practice of profession is still reserved exclusively for Filipinos although the WTO [WHO] wishes to open that but hindi pa nangyayari nga ano,” wika ni Roque sa tanong kung ilegal manggamot ang Chinese doctors sa bansa.

Sa 2016-2017 global Medical Tourism Index , ika-19 ang Filipinas sa buong mundo, nalampasan ang Taiwan at Argentina at kasunod ng Dubai, habang ikawalo sa Asya sa overall score na 66.4. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *